Di Na Tayo Umiibig Tulad Noon
Rio Alma
Rio Alma
Di na tayo umiibig tulad noon,
Dibdib nati’y walang init ng bituin
Pagkat puso’y mga plastik at de-motor.
Dibdib nati’y walang init ng bituin
Pagkat puso’y mga plastik at de-motor.
Guniguni’y bantulot nang maglimayon,
Humihingal nang maglubig ng buhangin,
Di na tayo umiibig tulad noon.
Humihingal nang maglubig ng buhangin,
Di na tayo umiibig tulad noon.
Bawat liham na lagdaan ay may karbon,
Bawat sumpa’y kasunduang nakapapel,
Pagkat puso’y mga plastik at de-motor.
Bawat sumpa’y kasunduang nakapapel,
Pagkat puso’y mga plastik at de-motor.
Natutuos nating lagi ang ginugol,
Halik nati’y patubuan kung isiil,
Di na tayo umiibig tulad noon.
Halik nati’y patubuan kung isiil,
Di na tayo umiibig tulad noon.
Tanglaw nati’y hindi buwan kundi neon
Kung ibulong ang pagsuyo sa ‘sang motel,
Pagkat pus’y mga plastik at de-motor.
Kung ibulong ang pagsuyo sa ‘sang motel,
Pagkat pus’y mga plastik at de-motor.
Kahit pusong umibig ngang walang-gatol
Hahatulan nating musmos o nabaliw,
Di na tayo umiibig tulad noon
Pagkat puso’y mga plastik at de-motor.
Hahatulan nating musmos o nabaliw,
Di na tayo umiibig tulad noon
Pagkat puso’y mga plastik at de-motor.








